Rita Gaviola aka Badjao Girl, Hinihinalang Di Umano Buntis?!
Rita Gaviola aka Badjao Girl, Hinihinalang Di Umano Buntis?! “Opo buntis ako, sabi ng hula mo” Usap-usapan ngayon sa social media ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Rita Gaviola o mas nakilala bilang si “Badjao Girl”, dahil sa pang-iintriga ng mga netizens na hinihinalang di umano buntis ito. Gumagawa nga ng ingay ngayon ang pangalan ni Rita dahil sa viral Tiktok video niya sa kanyang private Tiktok account, dahil sa di umano’y pagbabago ng physical appearance nito na tila nadagdagan umano ang timbang kaysa sa balinkinitan nitong katawan noon. Mapapanood sa naturang video na kasama niya ang kanyang nobyo na nagli-lip sync sa isang kanta. Marami namang netizens ang kaagad na nagkomento ng kani-kanilang samo’t-saring opinyon at sinabing di umano parang nagdadalang-tao si Rita sa unang tingin pa lang. Matapang at sarcastic naman ang naging sagot ni Rita sa ilang netizens na nagkomento. Ayon sa hinala ng isang netizen, “Buntis ata si Miss R?” Pabirong sang-ayon naman ni Rita, “Op...