Amerikano, namumulubi na lamang ngayon matapos iwan ng Pinay na kinakasama
Habang ang iba sa mga foreigners ay masuwerteng nakakahanap ng kanilang 'true love' sa ibang mga Pinay kung saan mas pinipili nilang makasama ang mga ito at dito na manirahan sa Pilipinas, ang iba naman ay hindi pinalad dahil sila ay nakakatagpo ng ilang Pinay na ang tanging habol lamang sa kanila ay ang kanilang pera. Katulad na lamang ng nangyari sa isang foreigner na ito.
Kwento sa Facebook post na ini-repost naman ng Facebook page na Solid Viral Updates, nakita umano nila ang Amerikano na pinagtatabuyan ng mga tao at security guard sa 7/11 dahil ito ay walang pera na pambili nito ng pagkain. Mabuti na lamang din daw ay mayroong mabubuting tao ang naawa sa kalagayan ng Amerikano at binigyan ito ng pagkain dahil tila gutom na gutom na ito.
CHECK THIS OUT
A 26-Year-Old Girl From Quezon City Became A Millionaire Overnight
Olymptrade
Couples Share How To Have Sex Many Times That No One Knows
EffectEro
Get Rich Quick! How To Invest With Little Money
Olymptrade
The Simple Trick People In Quezon City Are Using To Make A Fortune
Olymptrade
Ayon naman sa Amerikano, siya ay mayroong karelasyon daw na Pinay dito sa Pilipinas ngunit makalipas ang ilang buwan nilang pagsasama, kinuha na nito umano ang lahat ng kaniyang gamit kabilang na ang kaniyang pera at mahahalagang dokumento katulad ng kaniyang passport.
Dagdag pa ng Amerikano na ito rin ang dahilan kung bakit hindi siya makauwi sa bansa kung saan siya nakatira at napilitan na lamang din itong mamulubi sa lansangan nang sa gayon ay mayroon siyang maipambili ng kaniyang pagkain sa pang-araw-araw.
Photo from Facebook
Ani din ng Amerikano na wala naman siyang malalapitan na kahit sino sa Pinas at di rin niya ma-contact ang mga kamag-anak sa ibang bansa dahil wala naman siyang cellphone dahil maging ito ay tinangay sa kaniya ng nakarelasyong Pinay.
Sa mga nais tumulong, sinabi din sa post na ang Amerikano ay makikita sa Bulacan dahil dito umano ito namumulubi.
Marami naman sa ating mga netizens ang nagbigay ng kanilang simpatya sa Amerikano at nagalit sa ginawa ng Pinay dito na matapos itong tulungan ay papabayaan na lamang nito ang Amerikano sa lansangan at mamulubi.
Ang nasabing post ay naging viral sa social media kung saan mayroon na itong mahigit na 47,000 reactions, 19,000 comments, at 87,000 shares.
Comments
Post a Comment