Anak Ng Isang Mangingisda, Nakapagtapos Na Ngayon Bilang Magna Cum Laude
Ang edukasyon ay isa sa pinakamahalagang kayamanan na kailanman ay hindi mananak4w ng sinuman. Kaya naman, kahit hirap sa buhay ang ilan sa atin ay pinipilit nila at ng kanilang mga magulang na ginagapang ang kanilang edukasyon. Ito din kasi ang bagay na makakatulong sa atin para bigyan ng ginhawa at magandang buhay ang ating pamilya.
Maraming netizens ang humanga sa determinasyon at sipag ng isang 20-anyos na dalaga mula sa Cebu dahil hindi naging hadlang ang kanilang kahirapan para siya ay makapagtapos ng pag-aaral.
Si Regine ay mula sa simple ngunit masayang pamilya. Umaasa lamang sila sa kinikita ng kaniyang ama sa pangingisda. Ang pagmamahal at suporta na binibigay sa kaniya ng kaniyang pamilya ang naging motibasyon ni Regine para matupad ang kaniyang pangarap.
Ngunit, ang mas nakakahanga kay Regine ay hindi lamang siya nakapagtapos sa kolehiyo kundi nakapagtapos din siya bilang isang Magna Cum Laude sa kaniyang paaralan sa University of San Jose-Recoletos, Cebu City.
Ayon sa dalaga, ang hanapbuhay ng kaniyang ama ay nakadepende lamang sa panahon. Minsan ay sinuswerte ang kaniyang ama sa pangingisda na umaabot sa 700 pesos ang kinikita nito ngunit sa tuwing darating naman ang bagyo ay hindi makakapalot ito para mangisda.
Ang ina naman ni Regine ang siyang naglalako ng mga nahuling isda ng kaniyang ama. Madalas ang pwesto ng kaniyang ina ay sa may kalsada lamang malapit sa kanilang bahay. Pag-uwi naman ni Regine sa eskwelahan ay tutulong siya sa pagtitinda.
Ani Regine,
"It was at an early age that I realized how life was. While selling fish, I always kept telling myself that I had to finish college to help my family and my siblings."
May mga panahon din daw na pinagtatalunan na ng kaniyang mga magulang ang mga gastos para sa kaniyang pag-aaral. Kinakailangan gumising ng kaniyang ama ng madaling araw para manghuli ng isda. Uuwi lamang ito ng hapon na o minsan ginagabi pa sa laot.
Pagbabahagi ni Regine,
"My father told me one time that he wanted to sleep more but he said he had to work hard in order for me to continue my studies."
Dagdag pa niya,
"Looking back, my father would shed tears while looking at us when we were sleeping."
Mabuti na lamang nga ay nakakuha si Regine ng 50% na discount para sa kaniyang tuition fee dahil na din sa matataas niyang grado.
Ngunit, hindi naging madali ang journey ni Regine sa pagtupad ng kaniyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral. Kinailangan niya kasing humiwalay sa kaniyang pamilya sa maikling panahon at tumira sa boarding house dahil malayo ang bahay nila sa eskwelahan kung saan siya pumapasok.
Pagbabahagi ni Regine, tuwing nalulungkot o pinanghihinaan daw siya ng loob ay titignan lamang niya ang larawan ng kaniyang buong pamilya na nakadikit sa wall ng kaniyang kwarto sa boarding house. Ito kasi ang nagbibigay sa kaniya ng lakas ng loob at inspirasyon na pagbutihin pa ang pag-aaral.
Makalipas lamang ang apat na taon ay nakapagtapos na nga si Regine sa kursong Bachelors Degree of Arts in Liberal Arts and Commerce major in Communication and Marketing (LIAMCOM).
Laking pasasalamat naman ni Regine sa kaniyang mga magulang na sumuporta sa kaniya sa pagtupad ng kaniyang pangarap.
"As I look back at my struggles, I realize that it made me stronger. And I want to thank my parents. Whatever achievements I have, it's because of them."
Kaagad ding nakakuha si Regine ng trabaho sa isang food manufacturer sa Cebu dahil na din sa ganda ng kaniyang background sa pag-aaral.
Ani Regine,
“I am not ashamed to sell fish. My friends know about it but still they accept me for who I am! If I did not go through those challenges, wearing the toga will not be worth it. We should not give up. Poverty is not a hindrance in achieving our dreams.”
Dagdag pa niya,
"I should never forget where I came from. No matter how many achievements you have, humble yourselves and keep your feet grounded. I will always be a proud daughter of a fisherman and a fish vendor."
Comments
Post a Comment