Barbie umaming ‘nawasak’ kay Paul Salas
Gumawa na rin si Barbie Imperial ng kanyang sariling YouTube vlog. In fairness, in less than one day, kulang 300,000 subscribers.
At pasabog na rin agad ang unang vlog niya na “Rating my exes” at may pa- “jojowain at totropahin” din ‘to.
Inamin ni Barbie na si Railey Santiago talaga ang una raw niyang lalaking minahal. At si Paul Salas naman daw ang pinaka-controversial na relasyon niya. Kay Paul din daw ang first heartbreak niya.
“’Yung kapag nag-break kayo, mawawasak ka talaga,”sey pa niya.
Tinanggi naman ni Barbie na naging mag-boyfriend daw sila ni JM de Guzman, pero inaming nag-date raw sila. May pahabol pa itong, “Pero ang guwapo ni JM.”
At si Diego Loyzaga, A for effort daw talaga itong boyfriend.
Si Diego raw ang break-up niya na hindi naging gano’n kahirap mag-move-on dahil alam niyang kailangan niya ng better na tao.”
Sa Instagram account naman ni Barbie, obviously, isa si Diego sa pinanood ang vlog niya. Nagpapalitan sila ng comment sa IG ni Barbie. Napansin ng huli ang suot na necklace ng Kapamilya star. Pinansin ito ni Diego na, “btw nice necklace.”
Sinagot naman siya ni Barbie na, “pag nasusuot na daw ‘yung regalo galing sa ex nakaka-move on na.”
Humirit pa rin si Diego at nag-react sa pagkakatawag sa kanyang sugar daddy ng ex-girlfriend, “Kaya ko lagi suot ‘yung shoes na bigay mo, wag lang itapon ha? Sayang lang yung pagiging sugar daddy ko.” (Rose Garcia)

Comments
Post a Comment