Billy Aalis Na Ng Pilipinas...
Billy Aalis Na Ng Pilipinas...Billy Aalis Na Ng Pilipinas...Billy Aalis Na Ng Pilipinas...
Billy Aalis Na Ng Pilipinas kasama ang buong Pamilya
Noong isang linggo ay naimbitahan kami ni Mommy Mayet, ang butihing ina ni Billy Crawford sa isang dinner sa Eastwood (restaurant) kung saan may condo-apartment ang kapatid ni Billy.
Si Mommy Mayet ay kasalukuyang nagbabakasyon dito sa Pilipinas sa imbitasyon ng anak na si Billy. Kasama ni Mommy Mayet sa Amerika ama ni Billy na may edad na at PWD.
Huli kaming magkita ni Mommy Mayet ay noong 90s pa, noong sa Roosevelt Island sa New York City pa sila naninirahan.
Masayang-masaya naman si Mommy Mayet at dito sa Eastwood ay nalilibang-libang siya sa mga resto at shopping area.
Masaya nga raw na madalas ay sa labas sila nagbe-breakfast. Unlike sa isang malayong probinsiya sa Texas sila naninirahan na napakalungkot daw at wala kang makita.
Doon daw kasi hometown ng ama ni Billy. Gusto nga ni Billy ay dito na sila manirahan at puwede naman sila sa mapalasyong bahay niya.
Pero dahil sa medical condition ng ama ay mas gusto ni Mommy Mayet na sa Amerika muna manirahan. Doon nga naman libre lahat lalo na sa mga senior citizen.
Kinuwento sa akin ni Mommy Mayet ang pagpunta ni Billy sa France kung saan magre-release o mare-revive ang kanyang career doon. Matatandaan na there was a time from the past na nag-hit doon ang mga song ni Billy. Kaya babalik doon si Billy kasama si Coleen Garcia at anak, sa July 7 at tatagal ng ilang buwan doon.
At least doon ay hindi siya malulungkot dahil kasama niya ang pamilya niya. Maiiwan ang mala-palasyo niyang bahay. Eh, ayaw naman ni Mommy Mayet na maglagi doon at malungkot din daw.
Lalo na at madalas wala sila Billy na may mga trabaho nga.
Comments
Post a Comment