Isang Babae, Bigla Umanong Nabuntis Matapos Maligo Sa Swimming Pool
Naging trending at usap-usapan sa social media ang kwento ng isang dalaga mula sa Zamboanga del Sur dahil sa kakaibang kaso ng kaniyang pagbubuntis. Ayon kasi sa pahayag ng babay ay hindi pa niya nararanasang makipagtal1k ngunit siya ay nabuntis nang dahil lamang sa pagligo niya sa swimming pool.
Bukod sa babaeng ito, mayroon ding isang babae na may parehas na kaso ang naitampok sa isa sa mga episode ng programa na 'Kapuso Mo, Jessica Soho". Dahil nga tila mukhang imposible ang nangyari, marami naman sa ating mga netizens ang naguluhan sa kung paano ito nangyari.
Sa pagsasalaysay ng 22 taong gulang na si Joy, sinabi niya na naligo daw siya sa isang public swimming pool bago siya biglang nabuntis. Naisip ng babae na maaaring galit ito sa sperm na pumasok umano sa kaniya kaya siya nabuntis.
Ayon pa sa kwento ng dalaga hindi daw siya nagkaroon ng buwanang dalaw sa loob ng ilang buwan kaya nagsimula na daw siyang makaramdam ng kaba. Dahil dito, napagdesisyunan niyang kumonsulta sa doktor para malaman kung ano ang mali sa kaniya. Ngunit, laking gulat na lamang niya sa sinabi ng doktor na siya ay nagdadalang tao na!
Hindi naging maganda ang balitang ito para kay Joy lalo na at hindi naman niya alam kung paano ito nangyari. Kahit pa man mayroong kasintahan si Joy, binigyang-diin niya pa din na walang nangyari sa kanila para siya ay mabuntis.
Kahit pa man naguguluhan sa kung paanong nangyari na siya ay nabuntis, wala na lamang nagawa si Joy kung hindi ipagpatuloy ang panganganak sa bata. Matapos nga ang siyam na buwan ay isinilang na ni Joy ang kaniyang anak na si baby Sittie Hannah noong ika-22 ng Hunyo.
Naging usap-usapan naman ang kakaibang kaso ng pagbubuntis ni Joy sa kanilang lugar. Pahayag naman ni Joy, naniniwala daw siya na ang ang pagligo niya sa public swimming pool kung saan mayroong sp3rm na pumasok sa kaniya ang dahilan kung bakit siya nabuntis.
Samantala, pinaliwanag naman ng isang OB specialist na imposibleng mangyari ang sinasabi ni Joy dahil hindi naman daw nagtatagal ang buhay ng sp3rm ng lalaki, lalo na sa swimming pool dahil sa chlorine dito.
Maging ang mga netizens ay pareho din ang reaksyon. Saad pa ng ilan, hindi din daw nabubuhay ang sp3rm ng lalaki at agad ding namam4tay kahit pa man ito sa swimming pool o sa tubig lamang.
Kaya naman ang dahilan umano na sinasabi ni Joy ay napaka-imposibleng mangyari. Marahil daw ay ayaw lamang sabihin ng dalaga ang tunay na dahilan.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizen:
"Swimming pool? E pagkakatanda ko tinuro ng teacher namin mabilis daw mam4tay ang sp3rm."
"DNA testing is one of the solutions."
"You cannot fool those students who listened in their Biology class."
"I've worked in a laboratory for an internship and I learned from it na hindi mabubuhay ang sp3rms outside the human body... cannot live it lalo na if may halo."
Comments
Post a Comment