Jane gusto nang bugbugin si Janella
Marami na ang excited sa paghaharap nina Jane de Leon at Janella Salvador sa “Darna: The TV Series”.
Si Jane mismo ay inaabangan na ito.
Tinanong si Jane sa “Star Magic Inside News” kung kamusta ang mga eksena nila ni Janella bilang sina Darna at Valentina.
“Wala pa po kaming fight scenes together but sana this upcoming lock-in namin, sana ngayon magtunggali, magtuos na po kami,” sey ng aktres.
Todo ang paghahanda ng dalawang aktres dahil iba-ibang stunt at action scene ang pinapagawa sa kanila kaya marami talagang kaabang-abang na bakbakan ang mapapanood sa serye.
“Challenges marami, especially ‘yung mga harness, mga new stunts, and gumagawa kami ng mga choreo na kahit papaano bago naman sa panlasa ng mga tao,” chika ni Jane.
Pero kahit nakakapagod ang taping nila, nagiging madali raw ito dahil pamilya na ang turingan ng cast kung saan kasama sina Joshua Garcia, Zaijian Jaranilla, Iza Calzado, Paolo Gumabao, at marami pang iba.
“Walang toxic or anything. Nakakatuwa lang kasi lahat kami okay and solid kami, family talaga kami. Lahat kami tulungan kami, iba talaga sobra,” saad niya.
Wala pang anunsyo kung kailan mapapapanood ang “Darna: The TV Series” pero ramdam na ni Jane ang excitement ng mga Kapamilyang sumusuporta sa programa.
“Kailangan niyong panoorin ang teleseryeng ito na “Darna: The TV Series” kasi pinaghirapan po namin ito ng mga tao sa likod ng camera, especially ‘yung mga production dito. Marami kayong kailangan makita at abangan kaya stay tuned,” sabi pa niya. (Dondon Sermino)

Comments
Post a Comment