JODI GIGIL SA GALIT KAY ZANJOE
JODI GIGIL SA GALIT KAY ZANJOE. JODI GIGIL SA GALIT KAY ZANJOE.
Grabe as in grabe pala ang naranasan, naramdaman ni Jodi Sta. Maria sa ‘The Broken Marriage Bow’ na umabot sa puntong gusto na niyang mag-quit sa showbiz.
Sa launch pa lang dawn g trailer nila, nagbago na ang pakiramdam ni Jodi.
“Parang pakiramdam ko, itong project na ito, nag-push talaga sa akin to the limits. Parang ito na ito, hanggang dito na lang ito!
“After we all watched ‘yung trailer, sa launch ng trailer, may papiging sa gilid, so kumukuha kami ng pagkain.
“We were all happy. Kasi nakita na namin ang glimpse ng ginawa namin.
“But parang… I just told Z (Zanjoe Marudo) and Direk Andoy (Ranay), sabi ko, ito na ang huling project ko. After nito, ayoko na! ‘Yun ang sinabi ko sa kanila.
“Sabi ko, hindi ko alam, unang-una meron pa ba akong ibibigay sa susunod na project, kasi ang feeling ko, lahat na binigay ko rito. Hindi talaga naging madali. Parang ito na `yon. Wala na akong ibang magagawa after this.
“So, ‘yun ‘yung time na yon na nandoon kami sa papiging nayon,” kuwento niya.
So, nagbago na ba ang pakiramdam niya ngayon? Ganun pa rin ba ang gusto niyang gawin, na iwanan na ang showbiz?
“Yes it has… Pagkalabas ko ng lock in, I realized that I was so tired, I was physically, mentally exhausted from playing to the role of Dr. Jill. Kasi feeling ko wala na, nasagad na ako talaga.
ADVERTISEMENT
RELATED POSTS
KimXi wedding inaabangan ng mga ChiNoy
Jun 8, 2022 0
Dedma sa Tate: Ai-Ai bawal nang tumapak sa Q.C.
Jun 8, 2022 0
Niregaluhan ng 4 bala: Angelika pinagbantaang papatayin
Jun 8, 2022 0
“Sabi ko nga, ‘pag kumuha ako ng bond paper, nagta-try akong gumawa ng bagong character, wala na talaga. Lahat ng creative juices ko na-cut off. So, ang naisip ko, kung artista ka, at ganito ka kaubos, paano pa, ano pa ang puwede mong gawin?
“All I need lang pala is to relax, recharge, to just kalma lang!” saad niya.
So, after 6 months, nagbago na ba ang pakiramdam ni Jodi?
“’Yan ang aabangan nilang exciting part! Hahaha!” bitin na sabi lang ni Jodi.
Well, puwede namang magbago ang isip ni Jodi, di ba?
Samantala, sukdulan na ang gigil ni Jill (Jodi) para maprotektahan ang kanyang dignidad at anak niyang si Gio (Zaijian Jaranilla) sa umiinit na mga eksena sa huling tatlong linggo ng “The Broken Marriage Vow: The Shocking Part” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Inisa-isa na ni Jill ang kanyang mga bagong diskarte upang mapalayo sa dati niyang asawang si David (Zanjoe) dahil hanggang ngayon, ginugulo pa rin nito ang buhay ng mag-ina. Nilalamon na kasi si David ng kanyang kahibangan kasi hindi niya matanggap na naisahan siya ni Jill at maski ang anak niyang si Gio ay kinasusuklaman siya.
Habang patuloy ang panloloko at pagsisinunggaling ni David, desidido si Jill na ipamukha kay Lexy (Sue), ang asawa ni David, na hindi pa rin ito nagbabago. Una nang inamin ni Jill kay Lexy na may nangyari sa kanila ni David at balak naman ngayon ni Jill na ilantad ang lahat ng baho ng dati niyang asawa.
Mapa-praning naman si Lexy sa mga kalokohan ni David at unti-unting guguho ang kanyang mundo. Hindi rin papayag si David na magmukha siyang talunan kaya gagawin pa rin niya ang lahat upang kontrolin ang buhay nina Jill at Gio, at manipulahin ang relasyon niya kay Lexy.
Makuha kaya ni Jill ang inaasam niyang tahimik na buhay kasama si Gio? Matauhan na kaya si Lexy sa mga kalokohan ni David? (Dondon Sermino)
Comments
Post a Comment