Juday kapalit: Regine babu na sa ‘Magandang Buhay’

 Ang tagal ding naging guest co-host ni Regine sa nasabing morning talk show ng ABS-CBN dahil pumasok sa politics si Karla Estrada nang maging third nominee siya ng Party-list na Tingog.



The latest I heard, may taping sa Saturday ang ‘Magandang Buhay’ at si Judy Ann Santos muna ang guest co-host at makakasama nina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros sa show.


Hindi ko nga lang alam kung gaano katagal magge-guest co-host si Juday sa ‘Magandang Buhay’. Hindi rin malinaw kung babalik pa ba si Regine sa pagge-guest co-host sa show dahil aalis din sila ni Sharon para sa kanilang ‘Iconic’ US concert tour na ang kick-off ay sa Las Vegas, Nevada on July 8.


Tinanong namin si Ogie Alcasid tungkol doon at sinabi niyang pahinga nga muna si Regine dahil may concert nga.


Naku, tiyak na mami-miss ng mga fan si Regine sa ‘Magandang Buhay’ dahil click na click pa naman siya bilang co-host nina Jolina at Melai.


Pero at least, si Juday naman ang magge-guest co-host.


Comments

Popular posts from this blog

Mag-Amang Pulubi Na Nagbebenta Lang Ng Ballpen Sa Kalsada, Ibang-Iba Na Ang Buhay Ngayon

Anak ng Seaman Nagpapabili ng Playstation 4 sa tatay, di binigyan - NAGWALA

Batang ulila at inabandona ng kanyang magulang, Sa piling ng aso nakahanap ng tunay na pagkalinga at pagmamahal