KIM CHIU - TSUGI NA SA IT'S SHOWTIME?
Nasurpresa niya ang lahat dahil nag-disguise siyang isa sa mga contestant ng Tawag ng Tanghalan noong Sabado.
Sa lahat ng host, si Vice Ganda ang talagang sobrang nagulat. Sa sobrang tuwa nito, hindi nito napigilan ang maluha at maging emosyonal sa pagbabalik ni Jhong.
Nag-post pa si Vice sa Instagram at ramdam mong overwhelmed itong talaga. Sey ni Vice, “Answered prayer! ‘Yung feeling na para kong isang magulang na muling inuwian ng mga anak niyang matagal na nawalay sa kanya. It sounds OA pero ‘yun talaga ‘yung naramdaman. I love you guys!”
Sa part ni Jhong, talagang inuna muna niya ang safety ng bagong silang pa lang niyang baby nang mag-pandemic at nagdesisyon na iwan muna ang ‘It’s Showtime’. Muli itong tumakbong Konsehal at nag-number 1 nitong election. Hinintay muna raw niyang makapanumpa siya bago nga nagbalik.
Joint forces na ngayon ang mga old at new members ng It’s Showtime. At kahit na nagbabalik na ang mga dating host, wala raw mababago at tuloy-tuloy pa rin ang mga nakasama nila simula mag-pandemic tulad nina Kim Chiu at Ogie Alcasid.
Comments
Post a Comment