Kris sugat-sugat na ang katawan
Pero may malaking problema, ayaw siyang payagang bumiyahe ng kanyang mga doktor dito para masimulan na ang kanyang gamutan sa Amerika, taas-baba ang blood pressure niya na napakadelikado sa pagbiyahe.
Nasa Houston pa naman ang tanging gamot na maaaring gamitin ni Kris para sa pag-ugat sa kanyang problema, hindi pa ‘yun pinapayagang ibenta sa Pilipinas, kahit sa moderno na ring gamutan sa Singapore.
Maraming bawal na gamot kay Kris, hindi siya puwedeng basta pagamitin ng anumang may steroids, nagkakaroon ‘yun nang matinding epekto sa buo niyang katawan.
May himig na ng pagpapaalam ang tono ng kanyang pagsasalita, tinapat na raw kasi siya ng mga espesyalista na wala nang paggaling ang kanyang sakit, kaya panahon ang itinuturing niyang mahigpit na kaaway ngayon.
Isa lamang sa isang milyon katao ang dinadapuan ng sakit na meron siya, direkta na sa kanyang blood vessels ang problema, kapag hindi ‘yun agad nalapatan ng modernong paraan ng siyensiyang medikal ay siguradong magiging isang alaala na lang si Kris.
Mabuti na lang at meron siyang pangtapat sa magiging gamutan niya sa Amerika, hindi siya kakapusin, napakalaki ng kanyang puhunan para makaligtas.
Ilang milyon man ang aabutin ng kanyang gamutan ay kayang-kaya niya, bukod sa hawak na niyang salapi ay marami pa siyang pagkukunan, hindi pababayaan ng kanyang mga kapatid si Kris. Napakalaki ng minana ni Kris sa kanyang mga magulang na hindi kakayaning ubusin ng kanyang gamutan kung tutuusin.
Nakalulungkot lang na ganito ang nangyari kay Kris na ilang taon na ang nakararaan ay napakatutok pa naman sa kanyang kalusugan.
Marami siyang inirerekomendang bitamina sa kanyang mga tagapanood, pati mga pagkaing organic ay sinusuportahan din niya, pero siya pa pala ang magkakaroon ng one in a million sickness na taglay niya ngayon.
Mapagbiro talaga ang buhay. Si Kris din ang madalas nating maringgan ng linyang no health, no wealth, kaya napakaimportanteng mahalin natin ang ating katawan.
Patuloy ang pagbagsak ng kanyang timbang. Sugat-sugat na ang kanyang katawan dahil sa sangkatutak na blood tests na pinagdadaanan niya. Napakasensitibo pa naman ng balat ng TV host.
Comments
Post a Comment