Madlang pipol, shocked! ANDREA, NAMASURA SA SIARGAO
May itinatago rin daw palang kabutihang-loob ang young actress na si Andrea Brillantes, ayon sa mga netizens.
Kasalukuyan pa ring nasa Siargao si Andrea at ang boyfriend na si Ricci Rivero kasama ang ilang kaibigan para magbakasyon sa isla.
Sa uploaded video ay makikitang namumulot ng mga basura ang celebrity young couple kasama ang mga kaibigan.
Nilagyan ni Andrea ang uploaded video niyang nag-viral agad sa social media ng caption na: “Siargao beach clean-up."
Proud na ibinahagi ni Andrea na nakakolekta sila ng 15 bags of plastic waste.
Hinihikayat ng young actress ang kanyang mga fans at followers na “Be part of the solution, not part of the pollution.”
“15 bags of plastic waste C O L L E C T E D and ready to be recycled, that’s 15 bags of plastic bottles, cups, bags, and etc. that will no longer harm marine life. Sana, if mag-visit kayo rito sa Siargao or sa any island, eh, mag-participate rin kayo sa clean-up drives,” sey pa ni Blythe (real name ni Andrea).
"#BangonSiargao,” dugtong pa ni Andrea.
Pawang positibong komento naman ang natanggap ng young actress sa maganda niyang ginawa.
“Good job ka d'yan, B!”
“You're using your platform well, love.”
“So proud of you, Blythe!! Love u all!”
“Wala talagang arte... walang paki sa kanyang damit o skin na umitim… basta mag-enjoy lang siya, hanga talaga ako sa 'yo, Blythe.”
May isa namang nagkomento, "Ngayon lang walang negatibong hanash kay Blythe. Lahat ay pinahanga niya. Sana, tuluy-tuloy na niya ang maging mapagkumbaba. Wala kasing maidudulot na mabuti kung panay ang kuda sa kapwa."
Very well said.
Comments
Post a Comment