Mikee nilandi ng bebot, Alex Gonzaga umiyak!



Umiyak si Alex Gonzaga matapos harap-harapang landiin ang asawa niyang si Mikee Morada ng isang babae.

Pero prank lamang pala ito at tinesting niya ang faithfulness ni Mikee kakuntsaba ang kaibigang si Laboching.

Trending ngayon sa YouTube ang “landi at selos prank” ni Alex sa kanyang mister.

Kunyari ngang naiyak si Alex dahil sa kilig ni Mikee sa pagyakap-yakap ni Laboching habang kapag siya raw ay walang dating sa mister.

“Eto na ang una’t huling pinapayagan ko na may lumandi sa asawa ko.. ang susunod na gagawa gigiba hahahaha. Swerte talaga ako sa asawa. Thank you Lord!” saad ni Alex.

Marami namang subscriber ni Alex ang humanga kay Mikee:

“Grabeee. Napaka gentleman ni Mikee. Yan po dapat ang katangian na makita natin sa mga partner natin, na kahit landiin ay hinding hindi mag papalandi. At hindi din magiging bastos sa pag reject sa babae.”

“Alex G showing us again how lucky she is to have Mikes.”


Comments

Popular posts from this blog

Mag-Amang Pulubi Na Nagbebenta Lang Ng Ballpen Sa Kalsada, Ibang-Iba Na Ang Buhay Ngayon

Anak ng Seaman Nagpapabili ng Playstation 4 sa tatay, di binigyan - NAGWALA

Batang ulila at inabandona ng kanyang magulang, Sa piling ng aso nakahanap ng tunay na pagkalinga at pagmamahal