Cristy nanindigang preggy ang aktres: AJ Raval itinanggi ang pagbubuntis

 


Sa kuwento ni MJ Marfori, binalita nga niya na nagpadala ng text message si AJ sa kanila.

Giit nga raw ni AJ, na hindi siya buntis, at nagka-Covid siya kaya hindi niya natapos ang shooting ng isang proyekto na ginagawa niya. Pati nga raw ang ibang mga artista na kasama niya sa naturang proyekto ay nagka-virus din.

Anyway, July 2021 nga unang nabalita na magdyowa sina AJ at Aljur Abrenica, pero todo deny nga ang sexy star, dahil kuya pa nga ang tawag niya kay Aljur. Na kesyo hindi nga raw sila magkakilala, kaya paano raw ba na magiging sila.

Pero noong October 2021, ay umamin naman si AJ na totoong nag-uusap na sila ni Aljur.

“Hindi na ako magpapaka-ipokrita. ‘Di na ako magsisinungaling. ‘Di po ako magde-deny kasi mukha lang kaming tanga kapag nag-deny pa kami. Well, totoo naman na nag-uusap kami,” sabi pa ni AJ.


Comments

Popular posts from this blog

Babae p4t4y sa non-stop na labing-labing

PNP, sinabing baka natakot umano sa armas ng sekyu ang SUV driver kaya tumakbo