Dakilang ama, karga ang anak habang nagtatrabaho para may pambili umano ng gatas
Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na ang ina ang naiiwan sa tahanan upang mag-alaga at magbantay sa mga anak nito habang ang ama naman ang naghahanap-buhay para may makain ang pamilya.
Bihira lamang makakita na ang isang ama ang naiiwan para mag-alaga ng mga anak na kadalasan kasi ay trabaho ito ng mga butihing ina.
Gayunpaman, kinabiliban naman sa social media ang isang ama na karga-karga nito ang kanyang anak sa kanyang likuran habang patuloy ang pagtatrabaho ito.
Viral sa social media at umani ng papuri mula sa mga netizen ang ginawang pagpupursigi ni Vinz Manalo na maitaguyod ang pangangailangan ng pamilya kahit mahirap ang kanyang sitwasyon.
Sa larawang ibinahagi sa Facebook, mapapansin na abala sa pagtatrabaho sa kusina si Vinz kung saan ay nakatambad sa kanyang harapan ang mga naglalakihang kaldero habang may suot itong apron.

Kahanga-hanga nga naman ang ipinakitang kasipagan ni Vinz at maganda halimbawa ito para sa lahat ng ama.
Ayon sa caption ng post ni Vinz, sinabi nito na kailangan munang magtiis ng kanyang anak dahil kailangan niyang magtrabaho para may pambili ito ng gatas.

Larawan mula kay Vinz Manalo
“kapit lng anak ko..kailangan lng talaga mgtrabaho ng papa mo pra my pambili ng gatas mo” ayon sa post ni Vinz
Napag-alaman na si Vinz ay isang misyonaryo na marangal na nagtatrabaho sa Adventist Hospital Palawan sa Puerto Prinsesa.
Umabot na sa mahigit sampong libong shares at mahigit anim na libong reaksyon sa nasabing post mula sa mga netizen.
Hindi naman maiwasang magtanong ng ilang netizen kung nasaan ang ina ng bata na dapat ay siyang nagaalaga sa kanyang anak habang nagtatrabaho ang ama.






Comments
Post a Comment