Dating OFW naging palaboy matapos itakwil ng kamag-anak dahil wala ng maibigay na pera at mawalan ng trabaho
Isa sa maituturing natin mga bayani ay ang ating mga kababayan na Overseas Filipino Workers o OFW, sila ay nagsasakripisyo ng walang kapantay para sa kinabukasan ng kanilang mga pamilya.
Ilan sa kanilang mga kinakaharap na pagsubok ay ang Homesick, nag-iisa at walang nag-aaruga sa tuwing sila ay may sakit kapag sila ay nasa ibang bansa.
Kaya naman para sa mga kamag-anak ng ating mga kababayan na OFW ay dapat iniisip din natin ang kanilang kapakanan para maibsan ang kanilang lungkot.
Samantala, kamakailan ay nag viral sa social media ang nakakalungkot na naging kapalaran ng isang lalaki na dating OFW at ngayon ay isa na lamang palaboy sa kalye pag-uwi ng bansa.
Ayon sa post ng isang netizen na si Aileen Mariquit Sombise, naging OFW si kuya Ramon ng 21 taon sa Saudi Arabia na ngayon ay isa na lamang palaboy na walang maayos na tulugan at makain sa kanyang pang araw-araw na buhay.
Napag-alaman na 61-anyos na si kuya Ramon kung kaya hindi na kaya ng kanyang katawan na magtrabaho at may iniinda na rin itong karamdaman sa paa kung kaya naman umuwi na lamang siya sa pilipinas.
Comments
Post a Comment