Ginamit ako ng Diyos – Herlene

 


“OMG…tumaas po balahibo ko. Akalain mo ‘yung sa simpleng pagtulong ko ay may isang pamilya tayo mapagbubuklod-buklod at muling makakasama,” sabi ni Herlene.

Kinilabutan nga ang Binibining Pilipinas candidate nang mabasa nito ang isang comment sa kanyang post tungkol sa isang charity event niya sa Missionaries of the Poor na nagsasabing kilala nito ang lalaking nasa picture, na ang buong akala nila ay pumanaw na.

Sabi ni Real Aneth Florendo Tianela, naglayas umano ang matandang lalaki noon, na ang pangalan ay Danny. Nang hindi na nila mahanap ay inakala nilang patay na ito. Marami pang komento na nagsasabing kakilala nila si Danny kaya naman lumaki ang tsansa na makauwi na itong muli sa kanyang pamilya.

Lahat ito ay dahil sa post ni Herlene, kaya’t nais niyang naroon din siya sa muling pagtatagpo na iyon.

“Gusto ko itong ma-witness at ma-meet ‘yung nag comment at kasama uli si Tatay Danny sa Missionaries of the Poor,” sabi niya.


Comments

Popular posts from this blog

Babae p4t4y sa non-stop na labing-labing

PNP, sinabing baka natakot umano sa armas ng sekyu ang SUV driver kaya tumakbo