Inang matagal nanilbihan bilang OFW, Dahil matanda na pinagawan lang ng kariton ng mga anak para makapaghanap buhay muli

 Viral ngayon sa social media ang kwento ng isang matandang babae na kung saan ay makikita itong nagtutulak ng kariton sakay ang kaniyang panindang kakanin.



Isa itong kwento na umantig sa mga netizens, dahil ang matanda na kinilalang si Nanay Leticia Ferrer, ay isa nang uugod-ugod ngunit makikita na patuloy pa ring nagbabanat ng buto upang may makain sa araw-araw


Ngunit bakit nga ba sa kanyang katandaan ay patuloy pa ring nagtutulak ng kariton at naglalako ng kanyang mga paninda si nanay Leticia? ang karamihang tanong ng mga netizens.


Ayos sa post sa Facebook page na One Cavite, isang dating OFW si nanay Leticia sa Hong Kong.

Matagal itong nanilbihan bilang domestic helper sa Hong Kong upang maitaguyod ang mga anak na maagang naulila sa kanilang ama.



“Sinakripisyo ang mahabang panahon na di kapiling ang 5 anak mabigyan lang ng magandang buhay, mapag-aral at ng di danasin ang hirap na dinanas nya..Sa isip nya ok lang magtiis para sa mga anak tutal kapag nakatapos sila sa pag-aaral, sila naman mag-aalaga sa kanya…’” ayon sa post.


Nagawang mapagtapos ni nanay Leticia ang limang anak at laha tng mga ito ay mga kani-kaniyang trabaho at namumuhay ng maaluwal.

Comments

Popular posts from this blog

JUST IN: CLOSED CASE - Resulta ng DNA examination sa bungo at kalansay, positibong kay Jovelyn Galleno, ayon sa PNP

Batang ulila at inabandona ng kanyang magulang, Sa piling ng aso nakahanap ng tunay na pagkalinga at pagmamahal