Isang Ama na nakapagpatayo ng sariling bahay sa halagang P50k na may aircon pa, Hinangaan ng madla!


 

Usap-usapan sa social media ang kwento ng isang dakilang ama kung saan namangha ang mga netizen sa ginawang bahay nito para sa kanyang pamilya sa halaga na P50,000. Kinilala ang ama na si Henry Tugot at ang kanyang may bahay na si Rejeen Tugot, ang mag-asawa ay mayroong dalawang anak sila ay masayang namamalagi sa kanilang munting tahanan na binuo mismo ng kanilang padre de pamilya.

Sa Facebook post na ibinahagi ng news reporter na si Russel Simorio, ang pera daw na nalikom ni Henry ay ginamit nito sa pagpapatayo ng kanilang bahay ang naipon na pera ni Henry ay galing sa mga pa extra-extra niyang trabaho.

Samantala, bukod sa pagiging masinop at madiskarte ni Henry ay mas humanga ang mga netizen sa kanya ng malaman na ginawa lang niya nag naturang bahay sa loob ng 25 days. Ang kanilang munting tahanan ay my sukat na 14×16 feet, ang naturang tahana ay mayroon isang kwarto, sala, kusina at mayroon pang terrace.

Comments

Popular posts from this blog

Babae p4t4y sa non-stop na labing-labing

PNP, sinabing baka natakot umano sa armas ng sekyu ang SUV driver kaya tumakbo