Isang Estudyante, pinarangalan bilang pinakamagandang hand-written sa buong Mundo



Ang pagsusulat ay maituturing na isang Sining sa pamamagitan nito ay maaari natin ipahayag ang ating damdamin, saloobin, maipalaganap ang katotohanan at magbahagi ng ibat-ibang impormasyon. Maaaring matutunan ng kahit sino ang pagsusulat at bukod dito maaari pa natin itong paunlarin. Dahil din sa pagsusulat ay napapanatili ang mga kuwento at kasaysayan ng isang bagay o pangyayari na sihang makakatulong sa iba upang mas makilala pa ito.

Subalit, sa paglipas ng panahon at pag-unlad ng teknolohiya. Tila nalilimutan na ng mga tao ang kahalagahan ng pagsusulat. Nagkalat na kasi ang ilang mga printed materials at wala na masyadong interesado sa pagpapaunlad ng pagsusulat. Samantala, sa bansang Nepal ay may kinikilalang isang Grade 8 student na pinakamagandang mag sulat kamay sa buong mundo.

Ang naturang Grade 8 Student ay kinilala na si Prakriti Malla siya ay mula sa bansang Nepal at siya ang tinaguriang ngayon na pinaka magandang magsulat kamay sa buong mundo. Makikita sa ilang larawan ang kanyang sulat kamay na talagang pulidong-pulido at maganda, sa unang tingin mo nga ay aakalain mong ito ay computerized.

Sa panahon kasi natin ngayon na halos maraming nagsilabasan na makabagong teknolohiya, madalas nang gumagamit ang mga tao na printed na at malimit na lamang ang gumagawa ng mga dokumento gamit ang pagsusulat. Subalit dahil kay Prakriti Malla ay muling naging tanyag ang pagsusulat gamit ang kamay. Sa kabila nito marami ang taong humahanga ngayon sa angking talento sa pagsusulat ni Prakriti sa katunayan nga ay sikat na sikat siya ngayon sa kanilang bansang Nepal.

Comments

Popular posts from this blog

JUST IN: CLOSED CASE - Resulta ng DNA examination sa bungo at kalansay, positibong kay Jovelyn Galleno, ayon sa PNP

Batang ulila at inabandona ng kanyang magulang, Sa piling ng aso nakahanap ng tunay na pagkalinga at pagmamahal