Isang mag-asawa naglilibot sa Bohol upang mamigay ng bagong bahay sa mga mahihirap

 


Likas na sa mga Pilipino ang pagiging matulungin kahit na sa kabila ng pagsubok na kinahaharap ng lahat may mga tao pa rin na handang tumulong lalo na sa mga taong nangangailangan, kaya naman labis na nakakataba ng puso kapag tayo ay may nakikitang mga tao na nagbibigay sa mga nangangailangan.

Katulad na lang ng mag-asawa na ito na usap-usapam sa social media namimigay lang naman sila ng mga bahay sa mga mahihirap.

Sa Facebook post ng concerned citizen na si Ronald Casil, nililibot daw umano ang lugar ng Bohol ng mag-asawang Terrence at Beth Martin para tumulong sa mga mahihirap na walang tirahan.

Ayon mismo kay Ronald ay umaabot na sa 65 na bahay ang naipamimigay ng mag-asawa at gusto pa raw nila ito dagdagan.

Dagdag pa riyan bukod sa mga pinamimigay na bahay ng mag-asawa ay marami rin silang pinag-aaral na kabataan.

Narito ang kabuuang post ni Ronald,

ANG MAG-ASAWANG NAGLILIBOT SA PROBINSYA NG BOHOL UPANG MAMIGAY NG BAGONG BAHAY PARA SA MGA MAHIHIRAP

Ika-65 na bahay na ang kanilang pinagawa at ibibigay sa mga taong wala nang maayos na tulugan at lalo na sa mga nagtitiis sa mga sira-sirang tahanan dito sa probinsya ng Bohol.


Comments

Popular posts from this blog

JUST IN: CLOSED CASE - Resulta ng DNA examination sa bungo at kalansay, positibong kay Jovelyn Galleno, ayon sa PNP

Batang ulila at inabandona ng kanyang magulang, Sa piling ng aso nakahanap ng tunay na pagkalinga at pagmamahal