Julia dedma sa Gerald, Ivana romansahan

 Kuwento ng aktor sa “CinemaNews”, na pinadadalhan kasi niya si Julia ng mga eksena niya sa ‘A Family Affair’ lalo na `yung nagbu-bullride siya na pinakadelikado talaga sa lahat ng ginawa niya.



Pero, super supportive nga raw si Julia kay Gerald, kaya mas lumalim daw ang sense of purpose niya bilang aktor dahil kay Julia.


“Mas nadagdagan ‘yung motivation ko to do better in my passions and sa craft ko. Hindi ko ‘yan magagawa kung hindi sa support na binigay niya,” sey niya.


Siyempre, sobrang secure si Julia sa pagmamahal ni Gerald, kaya dedma lang ito sa mga nakikita niya. Wapakels nga ito sa nag-trending na lampungan/honeymoon nina Gerald at Ivana Alawi, na kung saan ay tirik mata nga ang huli sa halik/romansa ng una.


Nag-trending nga ang mainit na honeymoon scene nina Paco at Cherry ng “A Family Affair” at happy raw si Julia roon. Ibig sabihin, effective raw ang akting nina Gerald at Ivana.

Comments

Popular posts from this blog

Babae p4t4y sa non-stop na labing-labing

PNP, sinabing baka natakot umano sa armas ng sekyu ang SUV driver kaya tumakbo