Kylie walang planong ipakulong si Aljur

 



Kahit na co-parenting na lang talaga ang status ng estranged couple na sina Aljur at Kylie Padilla, pero dahil hindi pa naman annulled ang kasal nila, ang mga netizens ay tila nag-iinsinuate ng idea na pwede raw idemanda ni Kylie sina Aljur at AJ ng kasong adultery.

Nakakuha ng ganitong idea ang netizens dahil sa kasong isinampa ni Victor Consunji kina Maggie Wilson at Tim Connor.

Ilan sa comment ng netizens, “Mas solid ang evidence ni Kylie kung buntis nga si AJ para idemanda ng adultery.”

“Pwede rin silang makasuhan ng adultery ni Kylie.”

Pero mukhang malabo naman itong gawin ni Kylie, if ever na totoo nga ang buntis issue. Una sa lahat, mukhang sobrang naka-move-on na si Kylie kay Aljur at mukhang mas masaya sa buhay niya ngayon.

Kaya ina-assume rin tuloy na ang selfie na pinost ni Kylie kunsaan, naka-pout ang lips niya ay posible raw kayang sagot niya lang sa mga netizens sa isyu ng estranged husband at ni AJ.

Para bang sinasabi lang nito na, “ker ko!” Huh!

Comments

Popular posts from this blog

Babae p4t4y sa non-stop na labing-labing

PNP, sinabing baka natakot umano sa armas ng sekyu ang SUV driver kaya tumakbo