Lalaking Rescuer, Binawian ng Buhay Matapos Makuryente Habang Tumutulong sa Pagsasagip sa Kasagsagan ng Baha

 Grabe talaga ang mga trahedyang nagaganap sa ating bansa ngayon. Sa kabila ng pandemyang ating labis na kinaharap ngayon ay ito na naman ang pananalasa ng bagyo sa ating bansa na nagdala ng labis na pahirap sa atin.






Pumanaw ang isang volunteer rescuer habang naglilingkod sa bayan matapos makuryente sa kasagsagan ng rescue operation ng kanilang team sa Barangay Linao Tuguegarao, Cagayan.

Ayon kay Ian Saquing Maggay, isang netizen na nagbahagi sa kadakilaan ng volunteer na si Kelly Villarao, itinaya raw ng rescuer ang kaniyang buhay mailigtas lamang ang marami mula sa lampas taong baha na dulot ng bagyong Ulysses.



“If it happens that this post appeared in your timeline, may I ask from you a moment of silence to commemorate the death of our Brave brother who lost his life by saving the lives of some Tuguegaraoeños during the flood and typhoon rescue operation at Brgy. Linao, Tuguegarao City last night,” bungad ni Maggay sa kaniyang post.

"For those who might ask, isa po siya sa mga rescuers na na kuryente during the rescue operation sa Linao Tuguerao at hindi po ang tatay ko and so please sa mga nagpapakalat ng fake news enough na po," dagdag niya.



Ginamit na rin ni Maggay ang oportunidad sa pamamagitan ng kaniyang post upang maipanghingi ng tulong ang naiwang asawa at apat na buwang anak ni Villarao.


Comments

Popular posts from this blog

Mag-Amang Pulubi Na Nagbebenta Lang Ng Ballpen Sa Kalsada, Ibang-Iba Na Ang Buhay Ngayon

Anak ng Seaman Nagpapabili ng Playstation 4 sa tatay, di binigyan - NAGWALA

Batang ulila at inabandona ng kanyang magulang, Sa piling ng aso nakahanap ng tunay na pagkalinga at pagmamahal