Mag-asawang magsasaka na ‘No read, No write’ na nanalo sa l0tt0, niloko ng mga sariling kamag-anak

 Tunay nga na mahirap magtiwala kahit kanino dahil lahat ay pwedeng hinding maging totoo sayo lalo na kung pagdating sa pera, Dahil kasabihan nga ng iba walang kaibigan, walang pamilya-pamilya pagdating sa pera dahil minsan pa nga ay mismong kapamilya mo ang nanloloko sayo pagdating sa pera. Ang iba pa nga ay nag-aaway ng matindi, hindi mga magkasundo na mga pamilya tungkol sa pera minsan ay tungkol sa lupa o kaya naman ay pamana ng kanilang magulang.



Kaya namn mahirap talaga ang magtiwala sa panahon na ito. Katulad na nga lang ng nangyari sa mag-asawa na ito na tumama ng lotto ngunit niloko naman ng kanilang mismong kamag-anak. Sila ay ang mag-asawang Ernie at Verigie, Silang dalawa ay galing sa mahirap na pamilya. Kaya naman dahil sa hirap ng buhay ay hindi sila nakapag-aral at nagkaroon ng pagkakataon matuto.

Ngunit sa kabila ng kahirapan ng kanilang buhay, nanatili silang positbo sa buhay at laging may ngiti sa kanilang mga labi lalo na ng sila ay biniyayaan ng mga supling at ito ang kanilang naging lakas upang magpatuloy sa buhay. Ayon sa kanila, Ginagawa nila ang lahat para sa kanilang mga anak. Ang tanging kinabubuhay nila ay pagsasaka nagdodoble sikap ang magasawa para mairaos at magkaroon ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak.

Kasabay nang pagsisikap sa trabaho tumataya din sila sa lotto araw-araw at doon din nagbabakasakali na sila ay manalo at magbago ang ikot at takbo ng kanilang pamumuhay. Wala daw silang numero na talagang inaalagan sa pagtaya sa lotto, ngunit isang gabi daw ay biglang nanaginip si Vergie ng mga kombinasyon ng numero na maari nilang tayaan. Samantala sa tuwing sila ay tataya ng lotto ay sinasama ni Ernie ang kanilang kamag-anak sa kadahilanang hindi ito marunong magsulat. Kaya naman nang utusan ni Vergie ang kaniyang asawa na mamili agad ng ticket ay agad naman itong sinamahan ng kanilang kamag-anak. At ang kanila ngang tinayaan na numero sa looto ay nanalo na nga. Dito ay nagkaroon ng pag-asa ang mag-asawa na magsimula ng bagong buhay para sa kanilang buong pamilya. Ngunit sa kasamaang palad, Tanging P900,000 lamang ang kanilang nakuha sa tinamaan dahil ang ibang perang tinamaan ay napunta sa bank account ng kamag-anak niyang sinamahan siyang tumaya na may pangalang “Angel” dahil ito daw ang nakapirma sa ticket. Pagkatapos daw ng pangyayaring iyon ay hindi na sila nakatanggap pa ng ibang balita tungkol sa kamag-anak nilang nanloko sa kanila. At hindi lang yan ang tanging pera nilang nakuha ay lalong naglaho dahil niloko rin sila matapos silang bentahan nito ng pekeng titulo. Kaya naman dahil sa masamang pangyayaring ito ay ninais nalang ng mag-asawa at ng kanyang pamilya na bumalik nalang sa Bicol sa tulong na rin ng kaniyang tiyahin. At ayon sa bali-balita ay ang taong nanloko sa mag-asawa ay nagkaroon ng malubhang sakit. Talaga namang masasabi na ang karma ay “digital” dahil hindi mo pa hinihiling ay on the way na sa taong manloloko at nan lalamang sa kapwa.

Comments

Popular posts from this blog

JUST IN: CLOSED CASE - Resulta ng DNA examination sa bungo at kalansay, positibong kay Jovelyn Galleno, ayon sa PNP

Batang ulila at inabandona ng kanyang magulang, Sa piling ng aso nakahanap ng tunay na pagkalinga at pagmamahal