Mayor sa Mexico, Nagpakasal sa Isang Buwaya

 


VIRAL ngayon sa social media ang kakaibang pag-iisang dibdib na ginanap sa Mexico. Makikita sa larawan si Victor Hugo Sosa, ang alkalde ng maliit na bayan ng San Pedro Huamelula sa Oaxaca, Mexico, na nakasuot ng damit na pang-groom.



Binihisan naman ng puting gown at mga palamuti ang isang buwaya na bride ng alkalde. Ayon sa ulat ng Reuters, ang pagpapakasal ay bahagi ng ritwal upang humingi ng kasaganahan mula sa kalikasan ang mga tao.

Sinasabing sumisimbulo ng pakikiisa ng tao sa kabanalan ang pag-iisang dibdib ng dalawa, na isang sinaunang ritwal ng Chontal at Huave indigenous communities sa Oaxaca.



Mayroong sayawan sa seremonya sa saliw ng tradisyunal na tugtugin. Ang ritwal ay nagtapos sa paghalik ng alkalde sa kaniyang bride na buwaya sa ibabaw ng nguso na may tali.



“We ask nature for enough rain, for enough food, that we have fish in the river,” sabi ng groom na si Sosa.



Inihayag naman ni Elia Edith Aguilar, tumayong ninang at nag-organisa ng kasal na, “It gives me so much happiness and makes me proud of my roots.”

Dagdag pa niya, “It’s a very beautiful tradition.”

Comments

Popular posts from this blog

Mag-Amang Pulubi Na Nagbebenta Lang Ng Ballpen Sa Kalsada, Ibang-Iba Na Ang Buhay Ngayon

Batang ulila at inabandona ng kanyang magulang, Sa piling ng aso nakahanap ng tunay na pagkalinga at pagmamahal

Foreigner na Nagkaroon ng Karelasyong Pinay, Gusto ng Umuwi sa Viena Austria Matapos maubos ang Pera