17-anyos arestado sa pagpatay ng principal sa Capiz

 Arestado ang isang 17-anyos na lalaki dahil sa pagpatay niya sa school principal sa Roxas City, Capiz.



Base sa suspek, nagawa niya ang krimen sapagkat tinangka siyang gamitin ng biktima na si Jun Mencedez, 57, habang nag-iinuman, dahilan para siya ay manlaban gamit ang gunting.

Nagtamo ng maraming saksak si Mencedez sa leeg at katawan.

Sugatan naman ang anak ni Mencedez nang awatin nito ang suspek.

Samantala, hinihintay na ang desisyon ng Roxas City social welfare and development office sa kung anong kaso ang isasampa sa suspek.

Comments

Popular posts from this blog

Babae p4t4y sa non-stop na labing-labing

PNP, sinabing baka natakot umano sa armas ng sekyu ang SUV driver kaya tumakbo