3 lalaki nagnakaw dahil walang pang-ambag sa inuman

 Sa kagustuhang may maipang-ambag sa pupuntahang inuman, ninakawan ng tatlong lalaki ang isang convenience store sa Quezon City ngayong Lunes.


Ayon sa ulat, naabutan pa ng bantay ng tindahan ang isa sa mga suspek na tumangay ng isang sitsirya dakong madaling araw.



Nasundan at nahuli ang tatlo sa tulong ng CCTV footage.



Aminado naman ang mga suspek sa kanilang krimen, na nagawa lang nila dahil walang ambag sa inuman.


“Alam mo ‘yong pakiramdam na wala kang ambag sa inuman na nakakahiya sa mga kasama mong umiinom na may ambag. Alam ko mali pa rin ‘yon, pasensya na lang masasabi ko,” wika ng isa sa mga suspek.


Kakasuhan sana ng shoplifting ang tatlo ngunit nang makitang P30 lang ang halaga ng kanilang kinuha ay ang barangay officials na lamang ang umayos ng kanilang kaso.


Pagbabayarin pa rin sila ng P300 bawat isa dahil nilabag nila ang ordinansa sa pagsusuot ng face mask.


Comments

Popular posts from this blog

Babae p4t4y sa non-stop na labing-labing

PNP, sinabing baka natakot umano sa armas ng sekyu ang SUV driver kaya tumakbo