97-Anyos na Lola, Nagtitinda Parin sa Kabila ng Mahinang Memorya at Di Makarinig, ng Mag-isa Upang May Makain Araw araw.

 Dito sa ating bansa ang retirement age ng mga matatanda ay nasa 60-anyos, inaasahan na sa kanilang pagtunton sa ganyang edad ay makapagpahinga na sila at e-enjoy ang mga nalalabing taon nila sa mundo.



Pero tila salungat ang karamihan sa ating nakikita, madami pa ring matatanda ang kumakayod para matustusan ang kanilang pangangailangan, minsan ay para rin sa kanilang pamilya at yung iba ay namumuhay nalang mag-isa.


Katulad na lamang po ni Lola na nasa 97-anyos na, ngunit pinipilit nitong maghanap buhay upang may pangsuporta sa kanyang pangkain sa araw-araw. Ayon sa nagbahagi ng istorya na si Samuel Lee, matandang babae ay may edad na 97 taong gulang kung saan ito ay nag titinda ng mga mga prutas at gulay bilang kaniyang hanapbuhay. Ang matanda ay bumibili ng kanyang paninda sa isang supermarket at kanyang itinitinda upang kumita, pinapatungan lamang daw niya ito ng maliit na halaga.


Naging mahina na ang katawan ng mga matatanda kung kaya’t nakakaawa na makita silang kumakayod pa sa ganyang edad , medyu mahina na rin ang kanilang memorya ngunit si lola ay patuloy na nagtitinda tuwing Biyernes, Sabado, at Linggo.




Kung minsan ay makikita ang matanda na nakaupo sa kanyang stall at minsan naman ay tulak-tulak nito ang isang mabigat na trolley. Ayon sa nagbahagi ng istorya ni Lola sa social media, ang matanda ay nahihirapan ng makarinig at makakalimutin na ito kung saan may mga pagkakataon na hindi na nito natatandaan ang kanyang customer na binibilhan siya ng pagkain at inumin. Gayunpaman ay nagiging masaya si Lola sa tuwing mayroong mga customer na lumalapit sakanya.

Comments

Popular posts from this blog

Mag-Amang Pulubi Na Nagbebenta Lang Ng Ballpen Sa Kalsada, Ibang-Iba Na Ang Buhay Ngayon

Batang ulila at inabandona ng kanyang magulang, Sa piling ng aso nakahanap ng tunay na pagkalinga at pagmamahal

Foreigner na Nagkaroon ng Karelasyong Pinay, Gusto ng Umuwi sa Viena Austria Matapos maubos ang Pera