Heaven sa mga nais makipag-date sa kanya: Aakyat muna ng ligaw
“I do believe that you can. Halfway ligaw sa online, get to know each other, pero if mag-de-date kayo outside kailangan may akyat bahay muna. Akyat ligaw muna. Kasi online is normal na sa generation so I do believe that you can find love online,” sey ni Heaven.
Subalit, kung si Heaven umano ang tatanungin ay mas gusto niyang makilala ng kanyang magulang ang kanyang manliligaw.
“I still prefer the traditional way. I’ve been raised like that so ever since na nagsimula ako makipag-date, lahat ng makikipag-date sa akin ay aakyat muna ng ligaw. Ang meaning kasi ng pag-aakyat ng ligaw, it’s not just gifts and ganun lang. It’s more of your family getting to know the person you’re dating.
“Ang pamilya ko kasi traditional so ang gusto nila nasa tamang kamay lang ako kung lalabas ako with a person na may gusto, yung ganun,” dagdag pa nito.
Comments
Post a Comment