Isang Alagang Aso nalungkot sa pagpªnaw ng kanyang Amo, nag-aabang at naghihintay lamang sa higaan nito
Tila mas higit magmahal ang ating mga alagang hayop kaysa sa tao lalong-lalo na ang mga alaga nating Aso, sobrang sweet malambing at higit sa lahat napaka-tapat sa kanyang amo. Halimbawa na dyan ang isang kwentong ito na kumurot sa puso ng mga netizen, Nagpaluha sa marami ang isang video na kumalat sa social media ito ay ang tungkol sa isang alagang aso na bakas sa mga mukha ang lungkot habang nakatayo at nag-aabang sa gilid ng papag na hinihigaan ng kanyang yuma0ng amo.
Alam natin na masakit para sa mga tao ang mawala ang kanilang pinakamamahal na mga alaga, subalit ganun rin ang mga alaga nating hayop sila ay nangungulila din pag tuluyan naiwanan ng kanilang mahal na amo.
Ayon sa kwento ni Rabin Canuzo, hindi raw niya napigilan hindi maiyak at masaktan sa kanyang nasaksihan sa alagang aso habang nasa loob ito ng kwarto ng kanyang ama na kamakailan lamang ay sumakabilang buhay. Sa ibinahagi ni Rabin na video, makikita ang kanilang alagang aso na si ‘Jeremy’ na malungkot at nakabantay sa gilid ng papag ng ama kung saan doon sila noon palaging magkatabing nakahiga.
Comments
Post a Comment