JUST IN: 1 p@tay nang mauwi sa pamamaril ang isang basketball game sa Maynila

 


Isang manlalaro ang patay habang dalawa sa mga manonood ang sugatan nang mauwi sa pamamaril ang isang basketball game sa Maynila.

Ayon sa Unang Balita, ang suspek na si Joseph Ariola ay manager ng isa sa mga naglalabang koponan.

Makikita sa kuha ng CCTV ng Barangay 137 na nilapitan ni Ariola ang manlalaro ng kalabang koponan matapos ang comittee timeout dahil sa isang hard foul.

Doon na nakipagtalo ang suspek sa manlalaro.

Subalit makalipas ang ilang sandali ay biglang bumunot ng baril si Ariola atsaka pinaputukan ang nakaalitan.

Nangyari ang insidente sa fourth quarter, na may tatlong minuto na lang na nalalabi sa laban.

Sinabi ng mga awtoridad na nadala pa sa ospital ang biktima ngunit idineklara rin itong dead on arrival.

Sa ngayon, hawak na ng pulisya si Ariola, na tumangging magbigay ng pahayag ukol sa ginawang pamamaril.


Comments

Popular posts from this blog

Babae p4t4y sa non-stop na labing-labing

PNP, sinabing baka natakot umano sa armas ng sekyu ang SUV driver kaya tumakbo