JUST IN: Pinay sa Taiwan tumangging ikasal, pinatay sa sakal

 Bumulaga sa isang motel sa Taiwan ang bangkay ng isang Pinay OFW na nadiskubreng pinatay ng kanyang nobyo matapos siyang tumanggi na magpakasal.


Itinago na lamang sa pangalang ‘Sanset’ ang babaeng biktima, na isang single mom galing Cagayan Valley.




Huli umanong nakita ng kanyang mga katrabaho si Sanset noong Agosto 13.


Samantala, ang itinuturo namang suspek ang ang nobyo ni Sanset na si Diony, na isa ring Pilipino.


Nang makita raw ng mga medic si Sanset sa loob ng motel ay ilang oras na itong patay. Lumabas din sa imbestigasyon na sinakal ni Diony ang biktima matapos itong tumanggi na magpakasal.


Si Diony ay hawak na ng pulisya. Magpapadala naman ang OWWA Taiwan ng tulong-pinansyal para sa mga naulila ni Sanset.


Comments

Popular posts from this blog

Babae p4t4y sa non-stop na labing-labing

PNP, sinabing baka natakot umano sa armas ng sekyu ang SUV driver kaya tumakbo