Kris nagsusungit, kinukuwestyon kanyang mga doktor?
Usap-usapan ngayon ay ‘di umano’y palagiang pagkontra ni Kris Aquino sa kanyang mga doktor sa Houston, Texas.
Sa “Showbiz Now Na!” sinabi ni Cristy Fermin na madalas umanong kuwestyunin ni Kris ang mga payo ng doktor.
“Ngayon po, unti-unti nang naglalabasan yung… si Kris daw po, kapag pinapayuhan ng mga doktor, kinokontra. Kinukuwestyon kung para sa’n ‘yon, para kanino, bakit… natural lamang po ‘yon, katawan naman niya ‘yon. Pero ‘di ba ang mga doktor, nao-offend naman kapag gano’n,” pahayag ni Cristy.
Ayon naman kay Morly Alinio, naiinsulto umano ang mga doktor dahil alam ng mga ito ang dapat gawin at dapat ibigay na gamot.
“Parang naiinsulto ang mga doktor dahil alam nila kung ano ang gagawin at ilalagay sa’yo. Hindi ka na kailangang magtanong, Ate Cristy, kasi nasa ospital ka na eh. Pumirma ka na doon,” sey ni Morly.
Aniya pa, dapat ay maging mabait si Kris lalo pa at siya umano ang may sakit.
“Yung pagiging nice mo ay sana nailabas mo na roon, hindi yung “Oh, what is that..’ ‘What is the purpose of that’… parang ganyan na nagsusungit.
“Dapat kapag may sakit ka, ikaw na yung pinakamabait sa lahat, kasi may sakit nga eh,” dagdag pa nito.
Comments
Post a Comment