Lola, Namataan na Lumuluhod at Nagdarasal sa Footbridge, Hinangaan ng Marami Dahil sa Sarado ang mga Simbahan.

 Sa oras ng problema at ano mang delubyong ating kinakaharap, isa lamang ang ating kinakapitan, ito ay ang ating Panginoon. Sa pamamagitan ng taimtim na panalangin naiibsan ang takot sa ating mga dibdib at ini asa na lamang sa kanya ang lahat.



Kung kaya’t sa oras ng mga pagsamba tayo ay nagbibigay ng oras upang makapunta sa mga simbahan at doon tayo ay nakikinig ng kanyang mga salita at bumubulong ng ating mga panalangin. Pero paano kung sarado ang mga simbahan dahil sa pandemyang ito? Ang iilan ay nananatili sa kanilang bahay na lamang at doon gumagawa ng mga pagsamba at pagdarasal.


ISANG GRADE 5 STUDENT, HINANGAAN SA SOCIAL MEDIA - YouTube


Subalit naging viral at laman ng social media ang isang lola kung saan ay nagdasal na lamang sa footbridge.


recommended by




RTBS OFFER

Divorced? Dating site for people over 40+

FIND OUT MORE

Dahil sa sarado ang mga simbahan, kahit sa daan ay naisip pa ring magdasal at magpasalamat ni lola.


Ngayong patuloy na tumataas ang bilang ng mga tinatamaan ng C0VID-19, pinaaalalang huwag na munang magkaroon ng mga pagtitipon kahit pa ito’y pangrelihiyon.


Gayunpaman, may ilang hindi pa rin patinag sa kanilang pananampalataya at patuloy na lamang na nagdarasal kahit wala man sa simbahan.


Ibinahagi ni Rix The Seminarian ang larawan ni lola na kanya raw nadaanan na nagdarasal sa maliit na “Mahal na Birhen ng Piat.”


Dahil daw sa karamihan ng simbahan ay sarado ngayong mahigpit na ipinagbabawal ang malaking pagtitipon maging ang mga gawaing pang-relihiyon, nakuha na lamang magdasal ni lola kahit nasa daanan.


“Kahit sa lansangan ay hindi naging hadlang kay nanay na magdasal at magpasalamat. Mabuhay ka po, Nanay.”


Kaya naman labis na humanga si Rix sa lola na hindi nagpatinag sa dami ng mga ipinagbabawal na gawin at puntahan bilang pag-iingat pa rin sa C0VID-19.


Maging ang mga netizens ay na-inspire sa larawan ng lola na nagsilbing paalala sa kanila na nararapat lamang na magdasal sa anumang pagkakataon.

Comments

Popular posts from this blog

JUST IN: CLOSED CASE - Resulta ng DNA examination sa bungo at kalansay, positibong kay Jovelyn Galleno, ayon sa PNP

Batang ulila at inabandona ng kanyang magulang, Sa piling ng aso nakahanap ng tunay na pagkalinga at pagmamahal