‘Wag sisihin si Alden’ AlDub Nation nag-iyakan, sugatan ang puso
Kasabay ng announcement ng engagement nina Maine Mendoza, Arjo Atayde nitong Biyernes, July 29, 2022 (note: July 28, 2022 ginanap ang proposal), nag-trending din agad-agad ang #AlDub sa iba’t ibang social media platform.
Siyempre, bumaha ng luha mula sa mga fan na umaasam na ang mga idolo nila, magkasamang haharap sa altar sa bandang huli. Pero, hindi na nga `yon magaganap sa totoong buhay.
Ramdam na ramdam mo nga ang pagkawasak ng kanilang mga puso. Na ang iba ay hindi pa rin makapaniwala, at nabubuhay pa rin sa sitwasyon na kesyo kasal, may anak na sina Alden at Maine.
Heto nga ang iba’t ibang makadurog pusong reaksiyon ng mga AlDub fan:
“I never thought that my greatest heartbreak would be you two. My TOTGA. I’ll be fine/we’ll be fine someday we just need to heal in our own phase. Still thank you Alden and Maine I’ll always treasure the journey we all share. Maybe in another lifetime, maybe.
“SIGNING OFF.”
Comments
Post a Comment