Isang Batang Babae,Lumayas Kasama ang Kanyang Anak Dahil Diumano’y Naanakan ng Kanyang Step-Father at sa Kalsada na lang Nakatira.
Ang buhay natin ay puno ng pagsubok, at ang mga pagsubok na ito ang siyang nagpapatatag sa ating pagkatao. Pero hindi lahat ay may positibong pananaw sa buhay, dahil ang karamihan ay nalulunod sa sama ng loob at mas naging mahirap ang kalagayan dahil sa mga pagsubok na di nila makayanan.
Isang halimbawa nito ay ang karanasan ng isang batang ina na kamakailan ay ibinahagi ng concerned netizen na si Marillo Nalliasca sa kanyang social media account. Ayon sa kanya naging agaw pansin ang mag-ina na nasa labas ng BDO Imus Branch. Gumagapang umano sa kalsada ang sanggol na walang diaper o kahit na short manlang. Marumi at may mga rashes umano ang pw3tan ng sanggol habang ang ina nito ay napansin niya na mukhang bata pa.
SUGGESTED NEWS
Ito pala ang pinakamalaking kaaway ng diabetes! (Tingnan dito)
Diabextan
Sino ang mayroong diabetes, basahin agad!
Gluco Pro
Isang madaling paraan upang matigil ang diabetes magpakailanman
GlucoPro
Ang diabetes ay mawawala sa loob ng 7 araw
Insulux
Habang minamasdan ni Marillo ang mag-ina ay may isang netizen na may mabuting kalooban ang nagbigay na isang lata ng gatas at bote sa mag-ina. Hindi alam ng ina ng sanggol kung paano timplahin ang gatas kaya naman pinuntahan ito ni Marillo upung turuan kung papaano magtimpla ng gatas sa bote na binigay ng netizen. Napangiti at tila manghang-mangha umano ang ina dahil sa binigay na gatas at bote sa kanya.
recommended by
DIABEXTAN
Ito pala ang pinakamalaking kaaway ng diabetes! (Tingnan dito)
ALAMIN PA
Naisipan naman itanong ni Marillo kung saan sila nakatira at bakit sila nasa kalsada. Ang sagot naman ng ina ay wala silang bahay at sa kalsada na umano siya lumaki. “Lumayas po ako samin, step-father ko ang tatay ng anak ko,” ayon sa ina ng sangg0l na talaga namang ikinalungkot ni Marillo.
Dahil dito, ninais niyang matulungan ang mag-ina. Dahil malamig ang panahon ay naisip ni Marillo na bumili ng damit para sa mag-ina pang kontra sa lamig. Sa pamamagitan din ng kanyang pag-post sa social media ay naisip nito na humingi ng tulong sa iba para sa nakakaawang mag-ina.
Comments
Post a Comment