‘Pinakyaw sakit’ Kris sasailalim na sa chemotherapy

 Muling nagparamdam sa social media si Kris Aquino sa pamamagitan ng kanyang Instagram. Para na rin mapawi ang pangamba ng mga fan niya sa kanyang totoong kalagayan ay nagbigay siya ng latest update.


ADVERTISEMENT



“I didn’t want to post until I had clarity about my health situation,” panimula ni Kris.


Kitang mas maaliwalas naman ang kanyang mukha kumpara sa mga dating photo na kanyang ishinare. Sa latest post niya ay kasama niya ang mga anak na sina Bimby at Joshua na parehong tumaba.


Sa pamamagitan daw ng kanyang mga kapatid ay nalalaman niyang marami pa rin ang nagdarasal upang bumuti ang kanyang kalusugan.


“Maraming salamat po because I know from my Ate & friends back home that many still continue to pray that I get better.”


Tuloy-tuloy raw ang kanyang pagpapagamot sa kanyang autoimmune disease.


“Tomorrow morning (our time) rest muna my left arm because tatanggalin my PICC line.


ADVERTISEMENT



RELATED POSTS

Rein, Viva maraming pasabog


Sep 7, 2022  0

Belle na lang kulang: Donny nagpatayo na ng dream house


Sep 7, 2022  0

Imbyerna mga fan: Joshua nilantad ‘dyowang’ si Bella Racelis


Sep 7, 2022  0

“There have been times I wanted to give up-because of fatigue and being forever bedridden; the bruises all over my body that suddenly appear; my inability (since February) to tolerate solid food; headaches; bone deep pain in my spine, knees, joints in my fingers; and my constant flares esp. in my face that just keep getting worse,” sabi pa ni Aquino.


Nilinaw rin niyang hindi totoo na meron siyang cancer. Ngunit kinakailangan niyang sumailalim sa immunosuppresant therapy.


“I was warned that the safest form of chemotherapy (I don’t have cancer) that can be used for my autoimmune conditions will make me lose my hair. Hair will eventually grow back but permanently damaged organs won’t – so deadma muna sa vanity,” say ni Kris.



Hindi rin itinanggi ni Kris na lumala ang kanyang kondisyon nang magpunta na ito sa Amerika upang magpagamot.


“Naguluhan si Ate during the Zoom Q&A: To clarify we left the (PH flag emoji) I was already diagnosed with 3 autoimmune conditions. It was while here in Houston that I was diagnosed with a 4th. Unfortunately all my physical manifestations are pointing to a possible 5th – opo pinakyaw ko na!” ani Kris.


Ngunit kailangan niya umanong magpakatatag para na rin sa kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby.


“Good night and God bless to all with #lovelovelove from Kuya, Bimb, and me,” dagdag pa ni Kris.

Comments

Popular posts from this blog

JUST IN: CLOSED CASE - Resulta ng DNA examination sa bungo at kalansay, positibong kay Jovelyn Galleno, ayon sa PNP

Batang ulila at inabandona ng kanyang magulang, Sa piling ng aso nakahanap ng tunay na pagkalinga at pagmamahal