Pinay na Nagsilbi mula sa mga Amo, Anak at Apo sa Loob ng 33 Taon sa Wakas Nakauwi na habang nasa Wkeelchair na, Pamamaalam niya sa mga Amo nito naging Emosyonal.
Maswerteng maituturing kung nakatagpo ng mabubuting employer ang mga kababayan nating nasa ibang bansa, yaong itinuturing silang pamilya at yung iba nga ay inabot na ng ilang dekadang paninilbihan sa kanilang mga amo.
Halimbawa nga nito ay ang kababayan nating domestic helper sa Saudi Arabia sa loob ng 33 taon at isang pamilya lamang ang kanyang pinagtatrabahuan.
Noong una, inatasan lamang siya na alagaan ang mga anak ng kaniyang amo. Ngunit, sa paglipas ng panahon at dahil na din sa unti-unting paglaki ng pamilya ng kaniyang amo, nanatili pa ding tapat at nakatuon ang Filipina sa kaniyang trabaho at hanggang sa mga apo na nito ang kaniyang inalagaan.
Sa video na ibinahagi ng Facebook user na si El Caballero Y Cuervo, makikita ang nakakaantig damdaming pamamaalam ng Filipina sa kaniyang employer na pinagtrabahuhan niya ng 33 na taon. Kaagad naman naging viral sa social media ang naturang video.
Nang malapit na siyang umalis ng bansa at makasama ang kanyang mga mahal sa buhay sa Pilipinas, hindi na napigilan ng kaniyang mga amo na maging emosyonal habang sinasamahan nila ang kanilang kasambahay, na tinuring na nilang pamilya, sa airport.
Sa nasabing video, makikita na isa isa sa mga amo ng Filipina ang lumalapit sa kaniya upang yakapin siya habang tumutulo ang mga luha ng mga ito sa kanilang pamamaalam dito. Sobrang higpit din ng yakap nila sa kaniyang yaya na siyang nag-alaga sa kanila ng ilang taon.
Comments
Post a Comment